taekwondo craze
DESKRIPSYON Ang Tae Kwon Do (binabaybay din na Taekwondo , Taekwon-Do , o Tae Kwon-Do ) ay isang sining panlaban at isports na pangkombat na nagmula sa Korea .Ang taekwondo ay nag mula sa bansang korea na naging sikat na martial art sa buong mundo. 5th gold sa taekwondo sinipa ni Alora Matapos ma-sweep ang apat na gold sa unang araw ng kompetisyon, siniguro ni Kirstie Elaine Alora na hindi mabobokya ang RP taekwondo team nang kanyang ihatid ang ikalimang ginto sa Cuneta Astro-dome kagabi sa pagpapatuloy ng 23rd Southeast Asian Games. Dinomina ni Alora ang kanyang laban kontra kay Phonkeo Xayyavong ng Laos, 11-5 para sa referee stopped match sa kaagahan ng ikatlong round upang makopo ang ginto sa women’s featherweight division para sa kanyang unang SEA Games gold. Isang turning side kick ang ikinonekta ni Alora na siyang nagpabagsak sa Laotian sa mat para itigil ng referee ang laban para sundan ang pana...